Pagpapaliban ng paglilipat kay GMA sa VMMC pakunswelo lang

PA-CONSUELO de bobo lamang ang pagbibigay ng extension sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na manatili pa hanggang Biyernes (Disyembre 9) sa St. Luke’s Medical Center at ang 15 araw na pagpayag na makagamit ito ng laptop at cellphone.

Ito ang pasaring ngayon ng minorya sa Kamara sa pangunguna ni House Minority Leader Edcel Lagman.

Aniya, ikinatuwa ng kampo ni Ginang Arroyo ang pagpayag ng korte na mapalawig ng ilang araw pa ang pananatili sa St. Luke’s Medical Center sa Taguig City bago siya ilipat sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) gaya ng kahilingan ng mga ito upang makapagpagaling man lamang sa bagong sakit na colitis subalit lumalabas na parang pinagbigyan lamang ang kampo ng mga Arroyo.

Giit ni Lagman na tila pakonsuelo na lamang ito ng korte sa hiling na house arrest ng kampo ni Gng. Arroyo.

Sinabi pa ni Lagman na dapat magkaroon nang malinaw na pagkakaiba ang mga may pending na kaso, ang mga nahatulan na at mga lilitisin pa lamang pagdating sa kanilang karapatan dahil tulad ni Arroyo, sakop pa nito ang lahat ng karapatan niya dahil hindi pa naman ito guilty sa kanyang kaso.

Pinaplantsa na ngayon ng minorya ang ipapasang resolusyon para sa kasama nilang si Arroyo na nagbibigay suporta na isailalim na lamang ito sa house arrest.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply