Pagpapasaklolo ni GMA sa ICJ dedma sa M’cañang

DEDMA ang Malakanyang sa plano ng kampo ni dating Pangulong Gloria Arroyo na magsumbong sa International Court of Justice (ICJ).

Ang katuwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, karapatan ito ng dating lider at wala silang balak na hadlangan ito.

Matatandaang nagbanta si Atty. Raul Lambino na hihingi sila ng tulong sa international court sa paniwalang walang due process sa Department of Justice at lower court.

Aniya, hindi na sila magtataka kung muling sumablay ang kanilang kaso sa international court tulad ng ginawa sa harap ng taumbayan.

“It is their right to do so. And I will not be surprised if they will misrepresent their case to the international court as they did misrepresent their case to the Filipino public,” ang pahayag ni Sec. Lacierda.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na umuusad na ang kaso ni Arroyo at pagkakataon na ito para malinawan ang “Hello Garci” scandal.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Atty. Raul Lambino, legal  spokesman ni Arroyo na nararamdaman nilang wala na silang makukuhang hustisya habang naka-upo ang Aquino administration.

Para sa kanila, halatang  ginagawa ng mga tauhan ni Pangulong Aquino  ang lahat ng paraan para gipitin ang kanilang kliyente, bukod pa sa hinalang binabraso ang mismong huwes na may hawak sa kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply