Pagpupuslit ng baboy sa bansa ikinaalarma ng solon

NAALARMA si LPGMA Partylist Rep. Arnel Ty sa aniya’y talamak na pagpupuslit ng karneng baboy sa bansa.

Sa pamamagitan ng House Resolution 1960, iginiit ni Ty sa House committee on agriculture and food na imbestigahan ang talamak at malawakang smuggling ng imported na baboy sa bansa.

Nangangamba ang kongresista na kapag hindi ito agad na masugpo ay malaking pinsala ang maidudulot nito sa industriya ng pagbababoy sa bansa at wawasak sa pinagkakakitaan ng libo-libong Filipino.

Sa pagtaya ng kongresista, ang maliliit na magbababoy ay mayroong 70 porsiyento sa bansa ng kabuuang annual hog production na tinatayang umaabot sa dalawang milyong metric tons samantalang ang iba naman ay ang commercial farms ang nagbibigay.

Sumunod sa rice farming, ang hog industry ay isa sa pangunahing economic contributor at may pinakamalaking employer ayon sa Department of Labor and Employment (Dole).

Bukod umano dito, ang pangloloko sa gobyerno ng bilyong halaga mula sa import tax revenues tulad ng pork smugglers ay nakakamsama sa competition para sa local hog growers.

Dahil dito nanawagan si Ty sa pamahalaan na agad aksyunan ang nasabing problema na kalimitang naglipana tuwing panahon ng Kapaskuhan hanggang Chinese New Year dahil ang lokal na industrya ng pagbababoy ay nangangailan umano ng proteksyon laban sa smuggling.

“The hog industry also supports in a big way other key sectors of agriculture, with corn, sugar, and coconut products widely used in swine feed,” ayon pa sa mambabatas. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply