Pagtanggap ng foreign aid ipinaubaya sa NDRRMC

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang desisyon kung tatanggap ba ito ng foreign aid sa kanilang relief operations.

Sinabi ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na ang NDRRMC ang makakaalam kung dapat na nga bang humingi ng tulong sa ibang bansa dahil sa mga libu-libong taong naapektuhan ng bagyo.

Samantala, sinabi rin ni Valte na handa silang tumanggap ng donasyon mula sa mga private at public sectors na nais tumulong sa mga nabiktima ni “Sendong.”

Una nang sinabi ni US Secretary Hilary Clinton na handa silang magbigay ng tulong sa Pilipinas kung kinakailangan.

Samantala, hindi na tumatanggap ng mga bangkay ang Bollozos Funeral Homes sa Cagayan de Oro.

Batay sa report, mismong  ang may-ari ng punerarya ang nagpahayag na wala nang malagyan ng mga bangkay dahil sa sobrang dami.

Dahil dito, sa labas na lang ng punerarya nakalagay ang mga bangkay at ilan sa mga ito ay nangangamoy at nasa early stage of decomposition na.

Nabatid  na hindi na mabuti sa kalusugan ang amoy sa paligid, kaya nagdesisyon na ang management ng punerarya na hindi na tatanggap ng bangkay. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply