Pagtatalaga kay Hataman ipinawawalang-bisa

HINILING ngayon ni election lawyer, Romulo Macalintal, na ipawalang-bisa ng Supreme Court ang pagkakatalaga ni Mujiv Hataman bilang officer-in-charge (OIC) governor sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Sa very urgent motion ni  Macalintal, hiniling nito na dapat ipawalang-bisa ng SC ang appointment ni Hataman habang nakabinbin ang resolusyon sa kanyang apela sa desisyon na nagpatibay sa pagpapaliban sa eleksyon sa ARMM.

Dapat aniyang magpalabas ang SC ng clarificatory resolution na nagdedeklara na epektibo pa rin ang probisyon sa temporary restraining order (TRO) at pinapayagan ang mga ARMM officials na ituloy ang kanilang trabaho. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply