Pagtatambal nina Coco Martin at Julia Montes kontrobersyal

MAY ilang pumupuna sa tambalang Coco Martin at star ng “Mara Clara” na si Julia Montes sa malapit na nating mapanood na Primetime Bida Teleserye na “Walang Hanggan.”

As in inookray ng mga ito si Coco na hindi na raw bagay sa edad nitong si Julia. Parang katangahan naman ang reaction na ito ng sumulat ng item dahil bagets pa naman ang dating ni Coco kaya okey naman ang dating ng team-up nila ni Julia.

Saka, bakit kasi hindi nyo muna panoorin ‘yung teleserye nila bago nyo sila husgahan. Honestly, ayon pa sa taong involved sa production ng project na ‘to, ang ganda-ganda ng istorya ng Walang Hanggan at kapuri-puri ang performance ng mga artistang nagsisiganap dito sa pangunguna nga nina Coco at Julia. At kung may kissing scene ang actor at nasabing young actress, ‘yan, ang dapat nyong abangan sa pagpasok ng 2012 kung saan sa petsang ‘yan nakatakda itong ipalabas sa Kapamilya network. Kapana-panabik gyud!

***

Alma Moreno dapat magbayad na ng utang kay Ian Valdez

AS WE heard, rich na raw uli si Alma Moreno dahil sa husband nitong governor sa isang lugar sa Mindanao at ‘yung mga dating nautangan ng sex goddess noong 80’s ay nabayaran na rin nito. Ewan lang natin kung na-settle na rin ni Ness ‘yung payables niya kay Ian Valdez na noong time na magkakasama pa kami ni Ian sa Chika Mo, Chika Ko sa tigbak na ngayong channel ay ipinakita ng dating Miss Gay Philippines sa amin ni BFFT Pete A. ang tsekeng pina-rediscount sa kanya ni Alma na ka-beso niya noong nagkakahalaga ng 50K.

Ang kaso, nang i-deposit na ni Ian ito sa kanyang account ay tumalbog! Siyempre, that time ay madatung pa si Ian kaya deadma lang ito sa ginawa sa kanya ni Ness. Pero ngayong hardlife na ang bading at di pa bayad ang actress sa kanya, aba’y panahon na para bayaran niya ito tutal donya na nga siya uli.

***

Mga dapat abangan sa The Buzz bukas

SAMAHAN bukas si Kuya Boy Abunda sa The Buzz, ang famous TV personality na nangunguna ngayon sa trending sa Internet dahil sa pagkapanalo ng kanyang sariling Reality Talk Show sa Dos na “The Bottomline” sa Asian TV Awards bilang Best Talk Show of Asia, besting out the likes of Talk Asia sa CNN Hong Kong at The Euthanasia De-Debate na napapanood naman sa New Delhi Television sa India.

Napakalaking achievement nito para sa career ng pamosong TV host/Philanthropist at malaking karangalan rin sa ating bansa ang pagkakapanalo niyang ito.

Kaliwa’t-kanang congratulatory messages ang tinatanggap ngayon ni Kuya Boy at ang karangalan pa lang ito ay nais niyang ihandog sa kanyang pinakamamahal na Nanay Lesing.

Anyway, ano ba ang mga dapat abangan sa episode mamaya ng The Buzz? Siyempre, tatalakayin nina Kuya Boy, Toni Gonzaga at Charlene Gonzales ang mga pinagpiyestahang issue sa showbiz buong linggo at haharapin at lilinawin ng mga celebrity involved ang mga kinasasangkutan nilang intriga. May mga exclusive story rin na sa nasabing No. 1 sunday showbiz talk show lang ninyo mapanonood like Janelle Manahan, big revelation sa totoong pangyayari sa pagpaslang sa kanyang boyfriend na si Ramgen Revilla na ipinalabas last Sunday.

Watch din ninyo ang kanilang live guests sa pangunguna ng Queen of Talk and Horror movie na si kris Aquino, Ai-Ai de las Alas, Bossing Vic Sotto at mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para mag-promote ng kani-kanilang mga entries sa Metro Manila Film Festival 2011.

The Buzz, gets aired from 4:00 PM to 6:30 PM over channel 2 after “Growing Up!”

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply