‘Pagyukod’ ni PNoy sa Chinese Supreme Court binatikos

NAALARMA si House Minority Leader Edcel Lagman sa pagkiling ng administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa Supreme People’s Court of China sa kabila ng tila pambabalewala niya sa sariling Supreme Court.

Binigyang diin ni Lagman na lantaran sa publiko ang hindi patas na pagtrato ni Pangulong Aquino at ng mga opisyal nito sa utos ng Supreme Court.

“It is ironical that while the Aquino Administration respects the decision of the Supreme People’s Court of China imposing the death sentence on a Filipino who tried to smuggle 1.4 kilos of heroin in 2008, the same Aquino Administration disregards the Philippine Supreme Court’s decision to allow former President Gloria Macapagal-Arroyo to travel abroad for medical treatment,” anito.

Nagbabala rin si Lagman na hindi makabubuting ipakita ng administrasyong Aquino ang agad na pagsunod sa utos ng korte ng China ngunit tumanggi naman ito sa pagkilala sa utos ng hukuman sa kalayaan at pagprotekta sa buhay at karapatan ng dating pinuno ng bansa.

Magugunitang binalewala ng Department of Justice ang kautusan ng Korte Suprema ukol sa Temporary Restraining Order na nagbibigay senyales sa gobyerno na payagang makalabas at makapagpagamot sa ibang bansa si Ginang Arroyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply