Pajero sumalpok sa trak: 1 parak patay, 2 sugatan

NASAWI ang isang pulis habang sugatan ang dalawa pa nintong kasamahan makaraang bumangga ang kanilang sinasakyan sa nakaparadang forward truck sa national highway sa Ilagan, Isabela, kaninang madaling araw, Disyembre 9.

Nabatid na namatay si PO1 Crisanto Sadorra at sugatan naman ang driver ng Pajero na si Police C/Insp. Norman Ranon at isa pang PO1 Mark Paul Ramos na isinugod sa Governor Faustino N. Dy Memorial Hospital sa Ilagan, Isabela.

Galing ang tatlong pulis na pawang mga miyembro ng Regional Public Safety Battalion sa Tuguegarao City at patungo sana sa Ilagan, Isabela nang mangyari ang aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply