PAL tumutulong sa mga nasalanta ng bagyo

PATULOY ang paghahatid ng Philippine Airlines (PAL) sa mga disaster relief donations sa Cagayan de Oro at Dipolog.

Tiniyak ni PAL Foundation Executive Director Carmen Sarmiento, na aabot hanggang Enero 2012 ang libreng pagdadala nila ng mga tulong sa mga naapektuhang lugar sa Mindanao ng kalamidad.

Bukod sa gamot at mga pagkain, inunang ibiyahe ng PAL ang mga bottled water na higit na kailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Limang biyahe araw-araw ang itinalaga ng flag carrier gamit ang kanilang Airbus A320 at A319 Aircraft.

Nauna nang nagpalipad ng kanilang mga helicopter ang Philippine Air Force para magbigay ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Tumulong rin ng libre ang Negros Navigation para sa paghahatid ng mga relief goods o anumang bagahe na nakatakdang ibigay para sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao.

Ayon kay Negros Navigation PR Manager Gian Galvez, na bukod sa kanila ay ganito rin ang alok ng Super Ferry.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply