Palasyo: Suplay ng langis bastante

TINIYAK ng Malakanyang na sapat ang suplay ng langis sa bansa sa kabila ng political instability at kaguluhan sa Iran.

Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, ang Department of Energy (DOE) ang mismong nagbigay katiyakan na nanatiling sapat ang suplay ng langis sa Pilipnas.

Samantala, sa kabila nito ay patuloy pa rin ang ginagawang monitoring ng DOE sa suplay ng langis sa bansa upang makatiyak na mananatili itong sapat sa mga susunod na buwan.

Sa kabila nito, epektibo hatinggabi ng Martes, ay tumaas na naman ang halaga ng gasolina dahil sa taas ng demand nito sa international market.

Dahil dito nagtaas ng 80 sentimos sa presyo ng kada litro ng unleaded gasoline habang 85 sentimos naman sa kada litro ng regular gasoline ang mga kumpanya ng langis ng Chevron at Pilipinas Shell.

Samantala, ayon sa Shell, sa kabila ng pagtaas ng presyo ng unleaded gasoline ay bumaba naman ng 30 sentimos ang presyo ng kada litro ng kerosene.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply