Palasyo takot ‘maibulsa’ ang cash donations

NABABAHALA ang Malakanyang sa posibilidad na mapunta sa bulsa ng ilang local officials ang donasyon na galing sa iba’t ibang sektor lalo na sa international agencies na natatanggap ng Local Government Units (LGUs) para sa mga biktima ng bagyong Sendong.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, kailangang isaisip lamang ng mga lokal na opisyal na mas nangangailangan ang mga taong hinagupit ng kalamidad sa donasyon kaya maging tapat sa sarili ang unahin ang paglilingkod sa bayan at pagtulong sa kapwa.

“Sa national government, makakaasa po tayo na hindi ito mapupunta sa bulsa po ng officials po ng national government. Doon po sa local government officials, we would like to ask them to be prudent in the contributions that they have received. Of course, we know for a fact na wala po tayong control doon,” diin ni Lacierda.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply