Palasyo umalma sa HIV test sa mga bakla

MARIING tinutulan ng Palasyo ang panukala ng Department of Health kaugnay sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) test para sa mga baklang anak.

Binara ng pamahalaan ang hirit ng DOH na ipasuri ng mga magulang ang mga bakla nilang anak upang malaman kung mayroon itong sakit na HIV.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, iniiwasan lamang nilang magkaroon ng diskriminasyon sa alinmang sektor ng lipunan, anuman ang kasarian ng mga ito.

Sinabi pa ni Valte, ang gusto ng pamahalaan ay maging pantay-pantay ang pagtingin sa lahat ng tao sa kabila ng gender orientation nito.

Nabatid na 1 500 ng mga Pinoy ang nagkakasakit at kinailangang dumaan sa Anti-Retroviral Treatment (ART) na gagastos ang gobyerno ng P45 million kada taon para sa naturang gamutan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply