Palasyo walang planong patalsikin si Enrile

HINDI desperado ang Malakanyang para pangunahan ang planong pagpapatalsik kay Senate President Juan Ponce Enrile sa harap na rin ng napipintong paglilitis kay Chief Justice Renato Corona makaraang iharap ng impeachment case.

Ang katuwiran ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte ay may sariling pag-iisip, disposisyon at paniniwala ang mga senador sa kaso ni Corona.

“Kung meron pong ganito, it’s logical that he would have been approached but Senator Lacson says that wala nga daw pong ganitong nangyayari,” ayon kay Usec. Valte.

Kaya  hindi aniya sila naniniwala na sinasanay na ‘di umano si Senator Jinggoy Estrada na alamin nito ang mga ruling bilang paghahanda na rin sa posibilidad na sa oras na ma-convict si Corona ay mawawala sa puwesto si Enrile bilang Senate president.

“At this point, hindi pa nagsisimula ‘yung trial in the same way when people ask us do you have the numbers in the Senate, have you been doing anything. But at this point hindi pa nagsisimula ’yung trial and it will be up to our senators to determine kung ano ‘yung nangyayari doon, kung ano ‘yung magiging appreciation nila of the evidence that is to be presented. So let us leave our senators to do their work,” aniya pa rin.

Kampante naman si Usec. Valte na may kanya-kanyang kalayaan ang mga senador na magdesisyon sa kung ano ang dapat na kahihinatnan ni Corona na nahaharap sa kasong impeachment.

“I think, our senators have shown us that much. And since the President assumed the office in 2010, the Senate has always shown its independence,” aniya pa rin.

Sa ulat, sinabi naman ni Lacson na wala siyang nakikitang dahilan para panghimasukan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Senado para tuluyang masibak sa puwesto si Corona.

“The oust-JPE move is pure hogwash. I can categorically state that there is absolutely no move from anyone, much less from Malacañang, to oust Senate President Enrile. It is absurd to even imagine President Aquino putting pressure on the senators in order to secure a conviction,” ayon sa senador.

Pinalagan naman ng nasabing senador ang ulat na maaring bilhin ang ilang senador para tiyakin na madiin si Corona sa impeachment case nito.

“It is unfair to every senator to even speculate on the matter of recruitment in relation to the impeachment. A great majority of us in the Upper Chamber are not for sale. That I can say with authority,” ayon kay Lacson.

Nauna nang tiniyak ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada na maraming nagtatangka sa liderato ni Enrile sa Senado.

Subalit hindi nito pinangalanan kung sino ang nasa likod ng tangkang pagpapatalsik sa puwesto kay Enrile. Kris Jose

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply