Palit ni Corona tulad dapat ni Justice Sereno

WALANG legal issues sa utos ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa kanyang mga legal adviser na maghanap ng posibleng kapalit ni Chief Justice Renato Corona.

Ito ang nilinaw ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda sabay pagsasabing isa lang iyong contingency measure ng pamahalaan sakaling ma-convict ng impeachment court ang punong mahistrado.

Binanggit ni Lacierda na nais ng Pangulo na makahanap ng tulad ng katangiang taglay ni Justice Maria Lourdes Sereno na hindi matatawaran ang integridad, pero ang Judicial and Bar Council pa rin ang magsisilbing screening committee para sa pagpili ng bagong miyembro ng Korte Suprema.

Si Sereno ang unang mahistradong itinalaga ni Pangulong Aquino sa kataas-taasang hukuman.

Inihayag naman ng kalihim na hindi natitinag ang Malakanyang sa ulat na binubuo ng “power house legal team” ang magtatanggol kay Corona sakaling sumalang na sa impeachment court sa susunod na taon.

Ito’y dahil bumuo na rin ang pamahalaan ng private prosecution team bukod pa sa matibay ang mga ebidensyang hawak ng mga congressman-prosecutor para mapanagot sa kanyang mga atraso si Corona.

Pinamumunuan ni dating Supreme Court Associate Justice Serafin Cuevas ang binuong legal team ni Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply