Palparan hinarang ng immigration sa airport

HINARANG ng Bureau of Immigration si dating Bantay Party-list at retired Maj. Gen. Jovito Palparan sa tangkang pag-alis ng bansa sa gitna ng kasong kinahaharap na kidnapping at serious illegal detention charges.

Base sa report, dumayo pa ang dating sundalo sa Diosdado Macapagal International Airport sa Pampanga para sa kanyang SeAir flight DG-7992 papuntang Singapore nang pasukin sa loob ng eroplano at sabihang hindi siya pwedeng umalis.

Si Palparan ay sinampahan ng Department of Justice ng dalawang kaso ng kidnapping at serious illegal detention at tatlong iba pa dahil sa pagkakasangkot sa pagkawala ng dalawang mag-aaral ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno sa Hagonoy, Bulacan noong June 26, 2006.

Napag-alaman na nag-expire na ang watch list order na inisyu kay Palaparan, subali’t hindi pa nakatatanggap ng direktiba ang BI na binawi na ang nasabing WLO.

Nabatid pa na hiniling ng Human rights group Karapatan sa DOJ na isama si Palaparan sa watch list order at hold departure order dahil sa kanyang mga kaso upang hindi makalabas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply