Palparan nabuko ang tangkang pagtakas

NABUKO ang tangkang pagtakas ni Armed Forces General Jovito Palparan kaninang umaga sa Manila International Airport (MIA).

Ang pagtakas ni Palparan ay kinumpirma ngayon ni Justice Secretary Leila de Lima na nagtangkang lumabas ng bansa patungo sana ng bansang Singapore kaninang alas-7:00 ng umaga.

Natanggap umano ni De Lima ang impormasyon mula sa Bureau of Immigration (BI) dahil kinakailangang ibaba ng operatiba ng BI sa eroplano si Palparan habang sakay ng Sea Air 7792 patungong Singapore.

Ayon kay De Lima may existing watch list order (WLO) si Palparan bunsod ng kasong kinasasangkutan sa pagkakadukot sa dalawang UP student.

Dahil dito, posibleng humingi si De Lima na mapalawig pa ang WLO laban kay Palparan sa kabila ng mayroon pang mga isyu ng legalidad sa Circular No. 41 ng DOJ.

Sa ngayon ay ira-raffle ang kaso ni Palparan sa Malolos Regional Trial Court at kaninang alas-8:45 ng umaga ay pormal na inihain ng prosecution panel ng DOJ ang kaso at hiniling ni De Lima kung sinuman ang hahawak ng kaso ay mag-isyu ng hold departure order (HDO) laban sa dating heneral. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply