Palparan nagpaparamdan nang susuko

TANGGAP ng Malakanyang kung may “surrender feelers” ang puganteng si retired Major Gen. Jovito Palparan na ipinadala sa Department of Justice (DoJ).

Tiniyak ni PNP Chief Nicanor Bartolome na may “feelers” na tinanggap ang kanilang emisaryo hinggil sa balak na pagsuko ni Palparan.

Si Palparan ay patuloy na pinaghahanap kaugnay sa kasong two counts of kidnapping at serious illegal detention.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, wine-welcome nila ang naturang “surrender feelers” ni Palparan para harapin ang kaso sa korte.

Aniya, kung hindi man sa DoJ ay puwede ring sa kapwa military official lalabas at susuko si Palparan.

Tinawagan naman ng pansin ng Malakanyang si Palparan na lumabas na sa pagtatago at sagutin na lamang ang kaso sa korte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply