Palparan pinasusuko na ng Malakanyang

MISMONG ang Malakanyang na ang nanawagan kay Ret. Army Maj. Gen. Jovito Palparan na nagtatago na ngayon matapos magpalabas ang Malolos Regional Trial Court (RTC) ng warrant of arrest na sumuko na lang.

Ani Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, dapat sumuko si Palparan sa awtoridad at harapin ang mga kasong ipinupukol sa kanya sa korte.

Inihayag ni Lacierda na bumuo na sina Interior Secretary Jesse Robredo at Justice Secretary Leila de Lima ng joint task force na binubuo ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para hanapin, arestuhin at ikulong si Palparan.

Nagpasaring pa ang tagapagsalita ng Pangulo at sinabing kung sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ni Gloria Arroyo ay mataas at kinakanlong si Palparan, ngayon ay isa na itong pugante at hinahabol ng batas.

Tiniyak naman ni Armed Forces Public Affairs Chief Col. Arnulfo Burgos Jr. na handang makipagtulungan ang militar para hanapin at tuluyang maaresto si Palparan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply