Palparan posibleng sumuko sa AFP

MALAKI ang posibilidad na sa mga dating kasamahan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi sa National Bureau of Investigation (NBI) susuko si retired Major General Jovito Palparan.

Ang posibilidad na pagsuko ay batay sa ipinahatid na ulat mula sa mapagkakatiwalaang source ng military dahil sa sunud-sunod na pagka-antala sa pagsuko ng retiradong heneral.

Nauna nang nagpadala ng surrender feelers kay NBI Region 2 Director Ric Diaz si Palparan pero hindi ito naisakatuparan.

Kahit bisperas ng Pasko, buong araw na naghintay ang NBI sa pagsuko ni Palparan ngunit hindi ito natutupad.

Miyerkules nang nagpalabas ang Malolos Regional Trial Court (RTC) ng hold departure order (HDO) laban kay Palparan dahil sa pagkakasangkot nito sa pagkawala ng dalawang mag-aaral ng University of the Philippines noong 2006 na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Tinangka na ring lumabas ng bansa ni Palparan patungong Singapore ngunit napigilan ito ng mga alagad ng Bureau of Immigration sa Diosdado Macapagal Airport.

Samantala, sinabi ni Diaz na bumuo na ang pamahalaan ng tracker team at maglalabas na rin ng pabuya para sa mabilis na ikadarakip ni Palparan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply