Pamamahagi ng bonus ng teachers kompleto na

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na kumpleto na ang pamamahagi ng Productivity Enhancement Incentive (PEI) sa lahat ng public school teachers  sa buong bansa.

Ani DepEd Secretary  Bro. Armin Luistro, inaasahan nilang matatapos ang pamamahagi ng PEI  sa Biyernes bago sumapit ang kapaskuhan.

“Our finance personnel are working round- the-clock to ensure that teachers have something to take home in time for Christmas,”  ani Luistro.

Nagsasagawa na rin ng paunang preparasyon ang kagawaran para maayos na maipamahagi pagkalabas sa Department of Budget and Management (DBM).

Simula ngayong araw, iniulat ng DepEd offices sa Regions 1, 2, 7, Central Luzon (Region 3) at Cordillera Administrative Region na halos kumpleto na nila ang payment ng bonus ng mga guro.

Inaasahan din ng Education officials sa Regions 4A, 5, 6, 11, at Caraga  na kumpleto na habang sa Regions 4B, 9, at National Capital Region (NCR) ay matatanggap bukas, Disyembre 20.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply