Pambabatikos ni PNoy sa SC dinepensahan

IPINAGTANGGOL ng ilang kongresistang kaalyado ng administrasyon si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa sunud-sunod na banat nito laban sa Korte Suprema.

Tahasang sinabi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat na kung siya si Pangulong Aquino ay harap-harapan din niyang babatikusin si Chief Justice Renato Corona kaugnay sa mga palpak na desisyon ng Korte Suprema.

Sinabi naman ni Baguilat na marahil sa pagiging “sacred cow” ng Kataas-taasang Hukuman ay inakala nito na walang mangangahas na batikusin sila.

Ayon pa kay Baguilat, masyado lamang daw nag-over react ang Korte Suprema at maging ang publiko sa ginawa ni Pangulong Aquino.

Maging si Marikina Rep. Miro Quimbo ay sinabi niyang hindi dapat maging sensitibo ng SC samga kritisismo kundi dapat maging bukas ang mga mahistrado at positibong tanggapin ang mga pagpuna ng sangay ng Ehekutibo.

Kasabay nito ay pinayuhan din nina Baguilat, Quimbo at maging ni San Juan Rep. JV Ejercito ang SC na huwag maging “balat sibuyas” ang mga mahistrado kabilang na si Corona at huwang mapikon sa tuwing makakatikim ng batikos.

Ito ay kasunod ng pambabanat ni Pangulong Aquino nang harapan kay Corona sa mismong kauna-unahang National Criminal Justice Summit sa Manila Hotel kahapon (Disyembre 5).

Kaugnay nito, inihalimbawa naman ni Quimbo ang Kongreso na madalas na kinukutya, laman ng mga biro at samu’t sari ang tawag sa institusyon subalit piniling huwag patulan ang mga ito.

Payo na lamang ng mga mambabatas sa Korte Suprema na sa halip na mapikon, ituring ang mga kritisismo bilang paraan para higit na magsikap na mapatatag ang judicial system ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply