Pambili ng paputok, i-donate sa biktima ni ‘Sendong’– Malakanyang

UMAPELA ang Malakanyang sa publiko na i-donate na lamang sa mga biktima ng bagyong Sendong ang kanilang pambili ng paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Subalit ayon kay Presidential spokesperson, kung ayaw naman ng mga tao na i-donate ang kanilang pambili ng paputok ay mangyaring huwag na lamang magpaputok.

Ang katuwiran ni Valte ay dahil ayaw na ng pamahalaan na tumaas pa ang bilang ng mga nasusugatan kapag sumasapit ang Bagong Taon.

“Alam ko from last year nagkaroon po ng pagbaba (bilang ng naputukan) at sana po tuloy-tuloy na— na wala na hong nagkakaroon ng injury dahil po doon sa mga paputok,” anito.

Samantala, tinatawag naman ni Valte ang pansin ng mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa pagpapaputok ngayong Bagong Taon.

“Mayroon pa po ‘yung mga watusi diyan nahawakan, sinubo po ‘yung kamay— alam po nating delikado, bantayan po natin ‘yung mga bata at huwag na po natin silang hayaang magpaputok. At doon naman po sa mga nakatatanda, sana we set a good example para ‘yun po ‘yung sundan ng mga bata. Mahirap pong mag-Bagong Taon sa ospital unless kayo po ‘yung manganganak,” diing pahayag nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply