Pamilya hinostage ng tatay dahil sa TV

IKINULONG at ginawang hostage ng 44-anyos na lalaki ang kanyang asawa’t mga anak nang mahigit 24-oras sa loob ng silid ng kanilang tirahan matapos maingayan sa bukas na telebisyon sa Parañaque City.

Nagawa lamang makalabas ng silid ang pamilya ng suspek na si Noel Lacuin sa tinitirhang bahay sa Poultry Compound, Barangay San Dionisio, nang makatakas ang isa sa pitong anak ng salarin dakong alas-3:10 ng hapon kahapon at nagawang makapagsumbong sa opisyal ng barangay.

Batay sa pang-unang ulat na natanggap ni Parañaque police chief Sr. Supt. Billy Beltran sa Womens deks officer na si Loida Mozo, kahapon, dakong alas-2 nagwala si Lacuin matapos maalimpungatan habang natutulog sa lakas ng telebisyon.

Sa galit umano ni Lacuin ay ikinulong ang asawa at mga anak, kabilang ang limang buwang sanggol sa isang silid at nagbanta na sasaktan ang sinumang magtatangkang lumabas.

Nakapuslit naman ang panganay na anak ng mag-asawa na si Joy, 21 at nagawang makapagsumbong sa opisyal ng barangay na sila namang nagpabatid sa pulisya.

Nadakip si Lacuin at sinampahan ng kasong paglabag sa R.A 9262 o Anti Violence Against Women and their Children.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply