Pamilya minasaker sa Samar

PAGNANAKAW ang nakikitang motibo sa pamamaslang sa tatlong miyembro ng pamilya sa Barangay Mahangkaw, Calbiga, Samar.

Wala ng buhay nang matagpuan ng kanilang mga kaanak sa damuhan malapit sa kanilang pamamahay ang mag-asawang Leopoldo at Teresita Abina pati ang kanilang anak na si Jennelyn na nagtamo ng tadtad ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang ang mag-asawa naman ay ginilitan sa leeg.

Hinihinalang pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil tanging tali na lang ang naiwan sa katawan ni Leopoldo kung saan nakalagay ang pouch na lalagyan nito ng pera.

Hindi naman isinasantabi ng mga awtoridad ang posibilidad na personal ang motibo ng masaker dahil sa impormasyon na nagpapautang ng pera ang mag-asawa.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply