Pamilya bumulagta sa butete

ISANG pamilya sa lalawigan ng Masbate ang namatay sa kanilang mismong hapag-kainan dahil sa inulam na butete.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Catalino Esplana, 60; Vicente Hawili, 18; Eden Ello, 65; Pascual Ello; 77; at mga pinangalanan lamang na Sonia, 70 at Mahanitoy, 35; mga residente ng Barangay Balod sa Bayan San Pascual, Masbate.

Base sa imbestigasyon, nakita ang mga bangkay ng pamilya sa hapag-kainan sa kanilang bahay bandang alas 9:00 kagabi. Pinaniniwalaan na ang kinaing ginataang butete ang nakalason sa mga ito.

Nakita pa na mayroong natirang isdang butete sa kanilang kaldero.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya ng San Pascual at inaalam kung merong naging foul play sa pagkamatay ng pamilya.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply