Pamilya ng bibitaying Pinoy pa-China na

UMALIS na kanina patungong China ang pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na nakatakdang bitayin doon sa Disyembre 8, dahil sa kasong drug trafficking.

Ayon kay Foreign Affairs (DFA) spokesman Raul Hernandez, sinamahan ng isang DFA official ang apat na kaanak ng nasabing Pinoy.

Tumanggi naman si Hernandez na ihayag ang detalye ng flight schedules ng mga ito.

Pero batay sa rekord mula sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), umalis kaninang tanghali ang pamilya lulan ng China Southern Airlines Flight CZ 3091 patungong Canton.

Mula Canton, bibiyahe pa ang mga ito ng Guangxi at Guilin.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply