Pampasaherong barko hinarang ng PCG

HINARANG ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang barko na may sakay na 32 pasahero dahil sa paglabag sa maritime violation.

Ito ang napag-alaman mula kay PCG Spokesperson Lcdr. Algier Ricafrente, na umano’y ang mga tauhan ng Coast Guard Detachment sa Tinago ay hinarang ang M/V Anstephen’s Passenger Ship dahil sa expired na ang Safety Certificate (PSSC) noon pang November 28, 2011 iniulat kanina.

Bunsod nito ay isinagawa ang Maritime Pre-Departure Inspection sa nasabing barko sa Pier 4, ng Cebu Port bago pinaglayag dakong 7:00 a.m. kanina patungo sa Talibon Bohol.

Dahil dito, ay hindi na pinayagan pang makapaglayag ang nasabing barko at binigyan ng Maritime Violation Receipt (MVR) para sa expired Passenger Ship Safety Certificate (PSSC).

Sinabihan naman ni Captain Ricardo Abalo (District Operation) ang mga pasaherong sakay nito hinggil sa insidente, kung saan ay inilipat sa M/V Anrans, at nakapaglayag naman ito nang isagawa ang Mandatory Pre-Departure Inspection and Masters Oath of Safety Departure.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply