Panalangin para sa binitay na Pinoy sa China hiniling

NANAWAGAN si Sen. Manny Villar sa sambayanang Filipino na manalangin para sa Filipinong binitay kaninang tanghali sa China.

Ayon sa senador, hinatulan ng kamatayan ang nasabing Pinoy sa China matapos mapatunayan na nagpasok ito ng ipinagbabawal na gamot o iligal na droga sa nasabing bansa.

“Ang pamilya ay patuloy na humihingi ng panalangin at umaasa ako na mas maraming tao ang susunod sa panawagan,” ani Villar.

Sinabi pa ni Villar, ang binitay ni Pinoy ay ni-recruit ng isa pang Pinoy sa Macau at ipinadala sa Malaysia kung saan nagkapalitan ng kontrabando.

Naniniwala ang senador na biktima lamang ang 35-anyos na Pinoy na binitay ng isang malaking sindikato.

Giit ni Villar, nakalulungkot na hindi naisalba ang buhay ng Pinoy, kasabay ng kanyang panawagan sa iba pang Filipino na matuto sa nasabing karanasan at huwag basta maniwala sa mga recruiter na nag-aalok ng malalaking halaga kapalit ng madaliang biyahe sa ibang bansa.

“Matuto na tayo sa napakalungkot at masakit na karanasan ng biktimang nasa kasibulan pa ng kanyang buhay. Kapag may nag-alok sa ‘yo ng napakalaking halaga at libreng biyahe sa ibang bansa, maaaring ang nag-aalok sa iyo ay miyembro ng West African drug syndicate,” ani  Villar.

Kasabay nito, nanawagan rin si Villar sa POEA at NBI na masusing bantayan at pigilan ang mga sindikato ng droga na nangangalap ng mga Pinoy para maging tagadala ng ipinagbabawal na gamot sa ibang bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply