Panalo sa biyahe ng buhay

SINASABING ang buhay ay maihahalintulad sa isang paglalakbay at tayo ay mga manlalakbay lamang sa mundong ito.

Tubong Bicol, ang inhinyerong si Jose Toral, doon siya lumaki at nakapag-tapos ng kolehiyo.

Subalit dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang sumugal sa pamamagitan ng pagpunta sa ibang bansa para hanapin doon ang kanyang  pag-unlad.

“Napakahirap ng buhay noon, napakababa ng sahod sa Pilipinas at napakalaki ng responsibilidad. So ‘yun ang nag-udyok sa akin para mag-abroad,” wika niya.

Taong 1992 nang maka-rating si Jose sa Malaysia. Ipinadala siya ng construction company na pinagtatrabahuhan niya sa Malaysia nang minsang magkaroon ito ng proyekto roon.

Inakala niya na magtutuloy-tuloy na ang swerteng dumating sa kanyang buhay subalit biglang nagsara ang kanilang kompanya, kung kaya’t muling napilitang sumugal si Jose kung mananatili siya sa nasabing bansa o uuwi ng Pilipinas.

“I was trapped here in Malaysia and I had to decide whether to go back or to stay in Malaysia, but I decided to stay here and look for a job,” aniya.

Sa biyaya ng Maykapal ay nakatagpo siya ng isang trabaho roon na hindi nalalayo sa kanyang linya.

Doon siya nabigyan ng pagkakataon upang makasalamuha ang ibang lahi gaya ng mga Malay, Indian at Chinese. Nabigyan din siya ng pagkakataon na patunayan at ipakita ang galing ng lahing Filipino.

“Ang tingin nila rito sa mga Pinoy – because mga Filipino – we are resilient at resourceful. Talagang maparaan sa buhay, so kapag nilagay mo siya sa posisyon talagang tiyak na aangat siya sa puwesto. Ganun ang Filipino rito sa Malaysia kaya ang tingin sa Filipino rito is talagang respetado,” dagdag na salaysay pa niya.

Bagama’t nakararanas ng mga pagsubok ay muling bumabangon at hinaharap ng kababayan nating si Jose Toral ang mga hamon sa biyahe ng buhay sa daan na kanyang tinatahak o nilalakbay.

Ang bawat biyahe ng ating buhay ay punom-puno ng pagsubok, ang mga daraanan ay hindi laging patag, karaniwan na ang kalsadang bako-bako at mabatong daan na maaaring magpahirap sa ating paglalakbay. Maari tayong madapa ngunit ang mahalaga ay ang pagbangon at muling pagharap sa mga hamon habang nagpapatuloy sa biyahe ng buhay.

Masasabing matagumpay na si Jose sa biyaheng kanyang nilalakbay gaya ng programang Biyaheng Langit na nagwagi sa muling pagkakamit ng Anak TV Award o ‘Makabata’ Award para sa taong ito.

Ang nasabing award ay ipinagkakaloob sa mga programang pangtelebisyon na maaaring panoorin ng mga bata na hindi mangangamba ang kanilang mga magulang na baka maka-pulot sila ng mga hindi magandang bagay o mga eksena na nagtataglay ng karahasan.

Ang programang ‘Biyaheng Langit’, kung saan itinatampok ang buhay ng ating mga kababayang OFW, ang kanilang tagumpay at minsan ay kabiguan na pinagdaraanan o nararanasan sa ibang bansa ay nagsisilbing isang bintana upang ating matanaw at masulyapan sila sa kabila ng distansya at layo ng lugar na kanilang kinaroroonan.

Congratulations! Biyaheng Langit.

***

Sa iba pang istorya ng buhay ng ating mga kababayan overseas, tumutok lamang sa Bi-yaheng Langit at Kasangga Mo Ang Langit sa IBC13 tuwing Huwebes, 11:30 ng gabi. Bisitahin ang Facebook fan page: BIYAHENG LA-NGIT/KASANGGA MO ANG LANGIT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply