Panel of prosecutors inihahanda na ng Kamara

IHAHANDA na ang 11-man panel of prosecutors na kabibilangan ng mga kongresista kaalinsabay ng paghahain ng article of impeachment ngayong araw sa Senado laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ngayong umaga ay naihain na sa Senado ang article of impeachment ay ang kinatawan mula sa tanggapan ni House Secretary-General Marilyn Barual-Yap.

Ito ay kasunod ng kumpirmasyon ni House Speaker Feliciano Belmonte na nasa 188 na ang lumagdang mambabatas sa impeachment laban kay Corona dahil 1/3 lamang ng kabuuang bilang ng mga kongresista o 95 ang kinakailangang lagda bago maihain sa Senado ang article of impeachment.

“Technically impeached na siya (Corona) sa House (of Representatives),” ayon kay Belmonte.

Kagabi (Disyembre 12) ay pinakahuling lumagda sa resolusyon na nagsusulong sa pagpapa-impeach kay Corona si Cibac Partylist Rep. Sherwin Tugna.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT Partylist Rep. Antonio Tinio na sakaling mailuklok si Associate Justice Antonio Carpio ay babantayan ng kaniyang partido ang lahat ng galaw nito.

Titiyakin aniya nila na hindi mauulit ang mga naging pagkiling diumano ni Corona kay dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo at hindi magiging Aquino court ang Supreme Court.

Nauna rito ay inihayag ni Deputy Speaker Crispin Remulla na walang marching order mula sa liderato ng Liberal Party o sa kampo ni Pangulong Aquino.

“So far there is no marching order, there will be enough numbers,” ayon kay Remulla. Meliza Maluntag

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply