Pangangasiwa sa mga small plane ililipat

ILILIPAT ang pangangasiwa ng mga small plane para sa mabilisang aksyon ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) matapos ang kalunus-lunos na trahedyang nangyari sa pagbagak ng light aircraft sa Parañaque City.

Ayon kay CAAP Administrator Dir. Gen. Ramon Gutierrez, hindi na umano nila mapalalawak pa ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil marami nang residente ang matagal nang naninirahan sa paligid ng paliparan.

Kaya naman plano nila ngayong ilipat sa Sangley Point at San Fernando sa Lipa City ang mga small plane operators.

Hindi naman siya pabor na ilagay ang Ninoy Aquino International Airport sa Clark dahil malayo na masyado para sa mga pasahero.

Mamayang hapon ay nakatakdang maglabas ng bagong report ang CAAP sa nagpapatuloy na imbestigayon sa naturang insidente kasama na rin ang pahayag ng may-ari ng Queen Air Aircraft.

Sa pinakahuling ulat, naitala ang mga namatay sa malagim na insidente ang mga sumusunod: Maricel Radriguez; Klyde Reflordo; Edna Moreno; Janine Moreno; Rowena Moreno; Arnold Moreno; Maribel Nolasco; James Rañon; Margarita Rañon; ang piloto na si Timoteo Alba; Co-pilot Jessie Kim Rustica at ang pasahero na sina Julius Dorado at Roldan Sabidoria, Sr.

Samantala nanatiling ginagamot ang mga residente na sina Rodel Molina sa Makati Medical Center; nasa Las Piñas District Hospital naman sina Boomboom Sagidoria, Mary Rose Sabidoria, Mark Ryan Sabidoria at Roldan Sabidoria, Jr; nasa Parañaque Doctors Hospital sina Edna Bigay, Ricky Buton, Emilita Abreau at Kevin Josh Molina; naka-confine naman sa Veterans Memorial Medical Center sina Maribel Catalogo at Melvin Molina.

Kaugnay nito 50 pamilya na napektuhan ng trahedya sa F. Serrano Creekside at anim sa Lower Taiwan.

Ang 35 pamilya na nawalan ng tirahan bunga ng sunog ay dinala sa covered gym sa John St., at 35 pamilya naman sa Better Living Subdivision, Don Bosco Paranaque City. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply