Panghuhuli ng tamban ipagbabawal na

IPAGBABAWAL nang tuluyan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang tatlong buwang paghuli sa mga isdang tamban.

Ayon kay BFAR Director Asis Perez Jr.,  ito ay dahil na rin sa reklamo ng fishing industry at mga maliliit na mangingisda na kumokonti na ang mga nahuhuling isdang tamban.

Paliwanag pa ni Perez na intensyon ng ban na paramihan ang tamban lalo na sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero na panahon ng pangingitlog ng mga isda.

Kabilang sa mga lugar na apektado ng 3 month-ban ang karagatan ng  Dipolog City, Zamboanga del Norte, Zamboanga Sibugay, Zamboanga City, pababa ng Basilan at Sulu.

Aminado naman ang BFAR na sa kanilang gagawin ay maaapektuhan ang suplay at presyo ng sardinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply