Pangingibang-bansa sagot ba sa kahirapan?

SA panahong ito, sinasabing marami sa mga Filipino ang naghihirap at nakararanas ng pagkagutom.

Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kasabay ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina, karamihan sa mga Pinoy ay iisa lang ang nakikitang solusyon upang maibigay ang pangangailangan ng kanilang mga mahal sa buhay – ang mangibang-bayan at doon hanapin  ang  kanilang kapalaran.

Sa pag-asang may magandang bukas na naghihintay para sa kanila, ay sinusuong nila ang hirap at lungkot ng pagkakalayo sa kanilang pamilya.

Isa si Nora Natalaray, domestic helper sa Singapore, sa ating mga kababayan na nakararanas ng ganitong kalagayan. Sa kabila ng peligro ng pakikipagsapalaran sa isang dayuhang bansa na kaakibat pa ng banyagang kultura ay pinili niyang manatili roon  para  matustusan  ang pang-araw-araw na buhay ng kanyang mga naiwan dito sa Pilipinas.

Tubong San Pascual, Batangas ang mga magulang ni Nora, subalit siya ay natuto at nagsimulang bumuo ng pamilya sa Antipolo, Rizal.

Isa ring OFW ang asawa niya subalit nang minsang magkaroon ito ng karamdaman ay hindi na ulit nakabalik sa Saudi Arabia, ang bansang pinagtatrabahuhan nito. Kaya’t napilitan si Nora na iwan ito kasama ang kanilang mga anak, maging ang kanyang mga magulang na nasa probinsya upang kumita ng sapat na salapi para sila mabuhay.

Bagama’t malaking tulong ang kanyang kinikita ay hindi pa rin masasabing mariwasa ang buhay ng pamilyang naiwan ni Nora dito sa Pilipinas.

“Nagkukulang pa rin kami pero pinagkakasya na lang. Saka tumutulong rin minsan ang asawa ko sa pagbibiyahe ng tricy-cle. May kaunti ring kita roon, minsan mekaniko.
Pero kung tutuusin, hindi magkasya. Kaya lamang, talagang ‘yun lang ang naibibigay sa amin na sapat na sahod dito. Kaya wala kaming magagawa,” salaysay ni Nora. (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply