Kupit sa donasyon, gagawing heinous crime

NAIS ng isang senador na gawing heinous crime ang pagbubulsa ng donasyon para sa mga biktima ng kalamidad tulad ng nangyari sa Cagayan de Oro City at Iligan City.

Ginawa ni Sen. Francis “Chiz” Escudero ang suhestiyon matapos lumabas ang report ng Commission on Audit (COA) na sa mga donasyong nalikom mula sa iba’t ibang bagyong humampas sa bansa mula 2004 hanggang 2010, P 5.6 milyon ang naglaho habang P 193.6 milyon naman ang natutulog lamang sa bangko.

“This is a crying shame! Misuse of donations for victims of calamities should be considered a heinous crime,”giit ni Escudero na siyang chairman ng senate committee on justice and human rights.

Pinaliwanag pa ng senador na hindi dapat simpleng misappropriation o malversation lamang ang ikaso sa mga taong kumukupit sa perang nakalaan para sa mga biktima ng kalamidad dahil dito nakasalalay ang buhay o kamatayan ng mga biktima.

“To gamble and take advantage of money intended to help saves lives is a higher level of betrayal that to my mind should be meter the highest penalty,” giit ni Escudero.

Ang heinous crime ay may karampatang parusang bitay subalit dahil sa nilusaw na ang batas sa parusang kamatayan ay kulong ng habambuhay na lamang ang maaaring kaharapin ng mga kukupit ng donasyon sa biktima ng kalamidad.

Matatandaan na bumuhos ang tulong para sa mga biktima ng bagyong Sendong sa Northern Mindanao at Visayas kung saan bukod sa relief goods ay bumabaha rin ang perang donasyon mula sa loob at labas ng bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply