Panibagong piyesta opisyal aprubado sa Kamara

MADARAGDAGAN na naman ang araw ng holiday o piyesta opisyal sa bansa matapos na aprubahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang House bill 5068 o ang “National Victory and Liberation Day” sa Pilipinas.

Nakapaloob sa panukalang batas na inihain ni Baguio City Rep. Bernardo Vergara na idinideklarang holiday ang ika-3 ng Setyembre dahil sa paggunita sa opisyal na pagtatapos ng World War II sa bansa.

Inindorso naman ito para sa pag-apruba sa plenaryo ni House committee on basic education and culture chairman at Sorsogon Rep. Salvador Escudero III.

Giit ni Vergara karaniwan na umanong pinagdiriwang ng mga Filipino ang pagkatalo tulad ng fall of Bataan, Fall of Manila, death of Rizal at iba pa subalit kakaiba ang nasabing petsa dahil idedeklara ito bilang pagkapanalo at araw ng kalayaan.

Dapat umanong tandaan na ang Seteymbre 3, 1945 ay araw kung saan sumuko sa Pilipinas ang pwersa ng mga Hapon matapos ang ilang taong paghihirap ng mga sibilyan.

Idinagdag pa ng mambabatas na dapat din pakatandaan na ang bunga ng demokrasya ng bansa ay hindi dapat kalimutan na produkto ng dugo at luha na nagtapos noong Setyembre 3,1945.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply