Pantasya sina Sam Milby at Jericho Rosales

PANTASYA ni RR Enriquez, sina Sam Milby at si Jericho Rosales. Ang lakas raw kasi ng dating ng dalawa sa kanya. Kung wala nga lang daw siyang boyfriend sa katauhan ng basketeer na si Jay-Jay Heltebrand ay baka inakit na raw niya ang mga ito. Hindi nga lang daw niya yun magagawa dahil respeto na lang daw niya kay Jay-Jay.

May kaibigan si RR na nakarelayon daw ni Sam at nainggit raw siya rito nang ikuwento nito sa kanya na may nangyari sa kanila ng Fil-American actor.

Samantala, masayang ibinalita ni RR na extended daw hanggang January ang serye nila mula sa ABS-CBN 2, ang Repustasyon, kung saan ay gumaganap siya rito bilang bestfriend ng bidang si Cristine Reyes.

Gumawa na rin siya ng indie movie na ‘Dyagwar’ kasama sina Eric Fructuoso at Boom Labrusca.

Nagsisimula na ring mag-business si RR at ang boytfriend niyang si Jay-Jay na akmang-akma ngayong Kapaskuhan. Balita ko kahit si Pokwang na kasama niya rati sa ‘Wowowee’ at ‘Banana Split’ ay nag-order sa kanya ng 150 pieces of shirts and 100 pieces of tumblers.

TheGoodNews store ang tawag dito na kung saan nagtitinda sila ng mga t-shirts, jackets, mugs na may kakaibang designs, at the same time provide a positive message.

“Our mission is to spread the word of God and try to influence customers young and old to accept Jesus Christ as our savior,” sey niya.

“Having ur own business and managing it was really CRAZY=> for REAL!!!!!! hahahahahahaha=> its irritating sometimes… coz we’re just starting=> and this is our firstime=> hahahahaha=> IRRITATING at the same time FUN=> ill get used to it=> don’t worry=>,” shout out niya sa kanyang Facebook Account.

Tsuk!

-0o0-

NAKAUSAP namin ang sumisikat na psychic at feng shui expert na si Brother Mhon Co na resident psychic ng Risingstar Printing Enterprise at itinuturing na kapalit ng yumaong Nostradamus ng Asia na si Jojo Acuin.

Isa sa nahulaan ni Brother MHon ay ang paglipat ni Sharon Cuneta sa TV5.

Pinag-uusapan na next year ang hula niyang maghihiwalay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. May ibang lalaki raw na makabubuntis kay Marian after na magkahiwalay sila.

Tungkol naman sa career ni Piolo for 2012, narito ang nakikita ni Bro Mon: “May mga sumusulpot pa rin na aspiring young stars to take his place and one of these is Gerald Anderson, whom I can think to be the probable Boyet de Leon someday.”

Nora Aunor: “She will just be good in her acting career but no more in singing career. Hindi na babalik ang dati niyang boses, bumalik man, matamlay na po ang dating sa tao.”

ilma Santos:“I can see that kung tinanggap niya ang offer na tumakbong Vice-President ni Gibo Teodoro last elections, wala pong Binay na nakaupo ngayon, maaaring Vice Pres. Vilma Santos na. Kaya lang, hindi niya tinanggap, so hindi na po siya papasok sa politika, hindi na niya tatangapin ang anumang alok sa kanya. As Governor na lang po, pwede pa. After her term, a son of Vilma might occupy that office, si Luis (Manzano). Pero si Luis, should start from a Mayor or Councilor sa isang city.

Sharon Cuneta: Ang pagpasok ni Sharon sa Singko (TV5), good for the station, and for her career pero hindi na siya aangat ng ganu’n kataas.

Bea Alonzo:“May nakikita akong problema sa kanya sa gender.”

John Lloyd Cruz:“Magiging okay pa rin ang career niya. ‘Yung alcoholic issue sa kanya, well, kasama lang ‘yan ng kanyang pagiging lalaki. Okay lang ‘yan. Huwag lang too much drinking. Malabo na silang magkabalikan ni Shaina Magdayao at lalong malabo na ang John Lloyd-Ruffa Gutierrez. Pwede rin siyang ma-involve sa mga scandal, mapapa-away, magkakaroon ng kaso.”

Manny and Jinkee Pacquiao: Patuloy pa ring magiging kontrobersyal ang kanilang pagsasama pero pipilitin nilang maaayos at ang susi para maayos ay si Jinkee.

German Moreno: I should warn Kuya Germs for probable hospitalization. Dapat niyang ingatan ang kanyang major organs.

Bong Revilla: Malaki ang tsansang maging Vice President sa 2016. Ang political career ng asawa niyang si Lani Mercado ay magpapatuloy pa. Wala akong nakikitang paghihiwalay sa kanilang mag-asawa.

Kris Aquino: Ang pag-angat niya sa larangan ng politika someday, per ang kapalit noon ay kalungkutan sa love life. Hindi na sila magkakabalikan ni James Yap. Pero maswerte sa kanya ang anak na si Baby James. Next year, matamlay pa rin ang love life niya. In the future, relasyon na lang ang nakikita ko sa kanya at hindi na mag-aasawa pang muli.

May nakikita rin siyang pagluluksa sa showbiz industry. Aniya ay dalawang beteranong direktor at dalawang veteran actor.

“Sa dalawang beteranong aktor, isa po ay action star at isa po ay nasa linya ng comedy.

‘Yung action star po ay nakikita kong more on accident ang magiging cause at ‘yung comedian naman ay more on sickness.’

May mabubuntis din daw sa ating mga female stars. May nakikita aw siyang isang sikat na talent ng GMA-7 at ang clue na ibinigay niya ay mahilig sa tuna.

Sa kabuuan, ang Year of the Dragon (2012) daw sa showbiz ay taon ng scandal, separations and unexpected pregnancies.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply