Panuntunan sa media coverage sa Corona impeachment, ilalabas

POSIBLENG magiging kaabang-abang ang gagawing impeachment trial kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona at maraming media entities ang magko-cover dito.

Dahil dito, simula sa araw ng Martes (Disyembre 27) ay tatanggap na ang Senate Public Relations and Information Bureau ng media accreditation requests para sa coverage ng impeachment trial ni Chief Justice Corona.

Sa susunod na linggo na rin isasapinal ang magiging guidelines o alintuntunin sa nasabing media coverage.

Nakahanda na ang Rules of Impeachment ng Senado laban kay Corona matapos matanggap ang Articles of Impeachment laban sa punong mahistrado na inihatid mismo ni House justice committee chairman at Iloilo Rep. Neil Tupas ang reklamo sa Senate secretariat.

Kabilang sa mga grounds ng nasabing impeachment complaint ay betrayal of public trust at culpable violation of the constitution. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply