Paputok at simoy ng Pasko

GUMAGALA tayo sa gabi para lang malanghap natin ang simoy ng hangin ng Pasko.

Ang siste, may warning shot ang Department of Health ukol sa polusyon.

Noong isang araw na ang ganda ng paligid dahil sa hamog, ang sabi ng DOH, hindi hamog ang nakita sa Metro Manila kundi smog.

Maruming hangin.

Ano ba yaaaannn!

Heto pa. Umuunti na umano ang polusyon kahit saan sa repablik ni Juan dahil sa mga programa ng DOH at iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa malinis na hangin pero andiyan na ang magpaparumi nang todo sa hangin.

Paputok, Suki, ang itinuturo nila na salarin.

Grabe nga naman talaga ang usok sa buong Kapaskuhan. Mayroon kasing tumitira ng maraming paputok sa bisperas at araw ng Pasko.

Pero pinakagrabe ang putukan sa pagpapalit ng taon sa kalagitnaan ng gabi. Bagong Taon na, may pumuputok pa.

oOo

Ewan natin kung paano sisitahin o kokontrolin ang mga gustong magpaputok sa Kapaskuhan hanggang  sa Bagong Taon.

Senyales kasi ng napakalaking selebrasyon ang pagpapaputok, gaya ng pagkakapanganak sa lupa ni Hesus.

Pero alam ba ninyo na marami ang magpapaputok sa taong ito dahil sa inis?

Puro kamalasan kasi umano ang nangyari sa taong ito. Puro gutom at kahirapan ang dinaranas ng marami.

Sapagkat wala silang gaanong trabaho at pinagkakakitaan.

May mga kongresman nga na ayaw magpakita sa kanilang nasasakupan para makaiwas sa pamamasko ng mga botante.

Ang mga kontraktor na kilala natin, ayaw nang magdaos ng Krismas parti para sa kanilang mga tauhan.

Tiyak na ang alay sa mga Simbang Gabi ay mapuputukan din.

Mas nais ng marami na maalis ang kamalasan kaysa ang polusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply