Paputok ka riyan!

HABANG nag-aaway ang dalawang onorabol sa Malakanyang at sa Korte Suprema, nag-aaway rin ang Department of Health at Department of Trade and Industry at iba pang ahensiya na nagpapalaganap ng negosyo.

Tinutukoy natin ang negosyong paputok.

Panay ang kampanya ng DOH na magtorotot na lang si Juan sa halip na magpaputok ngayong Kapaskuhan.

Pero panay angal naman ang mga ahensiya na sumusuporta sa negosyo rito.

Ang sabi nila, gumawa na lang ang lahat ng mga ligtas na pamamaraan sa pagpapaputok.

Habang may tagumpay ang DOH sa pagpigil sa pagpapaputok, may tagumpay rin ang ibang mga ahensiya sa pag-eendorso ng paputok.

oOo

Siguro, tama lang na gumawa na lang ng paraan na gawing ligtas ang pagpapaputok.

Dahil kahit na daan-daan ang napuputulan, nabubulag at namamatay taon-taon dahil sa paputok, walang nakapipigil kay Juan na magpaputok.

Sa Pasko, sa Bagong Taon, sa piyesta, sa kasal, sa binyag, sa gradwesyon ng mga mag-aaral at sa proklamasyon ng mga pulitiko sa halalan, nandaya man ang mga ito o hindi.

Baka magkaroon pa nga ng maraming pagpapaputok makaraan ang pag-uusig kay  Corona sa Senado.

oOo

Adbays lang natin sa DOH, maghanda na lang kayo ng lahat ng gamot, doktor, nars, paramedik at ospital na aalalay nang todo kay Juan sa mga araw ng putukan.

Yung mga bumbero nga pala, dapat ding magbantay dahil sa dami ng sunog na nanggagaling sa mga paputok.

Itong mga pulis na bantay laban sa iligal at ligal na paputok at pagpapaputok, dapat na ring maging istrikto.

Hindi nila dapat na perahin ang mga iligal upang matiyak ang ligtas na pagpapaputok sa Pasko at Bagong taon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply