Paputok na ‘Goodbye Bading’ kinontra ng ‘third sex’

MARIING kinontra ng grupong tagapagtaguyod ng karapatan ng mga Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) o Ladlad ang pangalan ng isang bagong paputok, ang “Goodbye Bading.”

Batay sa pahayag ng grupo, masyadong naka-iinsulto sa mga katulad nilang nasa third sex ang tawag sa isang mapaminsalang paputok.

Humingi na rin sila ng tulong sa Philippine National Police (PNP) para hulihin ang mga nagtitinda at gumagawa nito, matapos mabatid na kabilang ang nasabing produkto sa mga illegal firecracker.

Mabibili ang Goodbye Bading sa halagang P1,500 kaya kakaunti lamang ang nagtitinda nito sa mga karaniwang firecracker stand.

Ayon kay Tony Rose Samson, pangulo ng Ikatlong Lahi sa Pasay, na naka-iinsulto sa kanilang mga gay na gamitin sa mapamuksang paputok ang kanilang kalagayan.

Sinabi pa ni Samson na malaki ang kanilang naitutulong sa lipunan sa paglulunsad ng mga proyektong pangkaunlaran at hindi sila mapaminsala.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply