Parak na natakasan, kakasuhan

NASA kustodiya ngayon ng Manila Police District-General Assignment Section at nakatakdang kasuhan ang isang pulis Maynila na nakatalaga sa MPD-Station 6 nang matakasan ng preso sa Sta. Ana, Maynila kagabi (Disyembre 19).

Isasailalim ngayon sa inquest proceedings ang naarestong pulis na si SPO1 Crispin Nicodemus, 53, nakatalaga sa SAID-SOTU Operatives ng PS 6 habang nakalalaya naman ang kasama nitong si PO2 Emiliano Florez, nakatalaga sa Mobile Crew Driver at Sta. Ana Police Station, Sta. Ana, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Donald Panaligan, naaresto umano nina Nicodemus at Florez ang drug suspect na si Richard Burgos, 36, may-asawa at taga-Antonio Isip St., Pedro Gil, Paco Maynila sa ikinasang buy-bust operation sa may Onyx St. San Andres, Bukid, Maynila dakong 6:45 kahapon ng hapon.

Kinagabihan (dakong alas-11:00 ng gabi) ay dinala nina Nicudemos at Flores ang suspek (Burgos) sa Sta. Ana Hospital para sa medical examination sakay ng Toyota Revo Mobile Car kung saan nakaupong mag-isa ang suspek sa likuran ng sasakyan at nakaposas.

Habang nakahinto sa tapat ng nasabing ospital ay nagawa umanong buksan ng suspek ang pintuan ng mobile car hanggang sa tuluyang makatakas at umangkas sa dumating na motorsiklo.

Dahil sa pagkabigla ng dalawang pulis ay hindi na nila nagawa pang habulin ang suspek na papatakas sa west bound ng New Panaderos St.,Sta. Ana, Maynila.

Sasampahan ng kasong Infidelity in the Custody of Prisoner si SPO1 Nicodemus. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply