Pari inakusahang nakikipagrelasyon sa 2 babae

NANLULUMO ang mga lay ministers at parishioners ng Minglanilla Parish sa Cebu matapos akusahan ang isa sa kanilang mga pari ang may sekswal na relasyon hindi lang sa isa kundi sa dalawang babae.

Isang team mula sa simbahan ang binuo ngayon para mag imbestiga sa reklamo laban sa pari na hindi  muna pinangalanan ng Cebu Archdiocese.

Ayon sa Episcopal Vicar ng Cebu Archdiocese, Msgr. Esteban Binghay, bilang bahagi ng proseso ay ipatatawag ni Cebu Archbishop Jose Palma ang inireklamong pari at ito ang magdedesisyon kung ano ang posibleng ipataw na parusa laban dito.

Umaasa naman si Msgr. Binghay na hindi maapektuhan ang paniniwala ng mga parishioners dahil sa insidente. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply