Parte ng VisMin lubog sa baha; mga residente lumikas

DAHIL sa ulang dulot ng low pressure area (LPA), lubog sa baha ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.

Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), lumikas na ang 280 pamilya galing sa pitong barangay sa Surigao del Norte at Dinagat province.

Sa Surigao City naman, isang magdadalawang-taong-gulang na bata ang iniulat na nawawala at pinangangambahang inanod ng ilog.

Winalis naman ng malakas na hangin ang 100 kabahayan sa baybayin ng Cadiz City sa Negros Occidental.

Pansamantalang nanunuluyan sa barangay hall ang mahigit 100 apektadong pamilya.

Sa pahayag ng ilang residente, mabilis ang pangyayari kaya hindi sila nakapaghanda at iilang gamit lamang ang kanilang nabitbit.

Bubuo naman ng ordinansa ang lokal na pamahalaan na magbabawal sa pagtatayo ng bahay sa dalampasigan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply