Pasahero sa Araneta Center Bus Terminal dumagsa

DAGSA na ang libu-libong pasahero sa Araneta Center Bus Terminal (ACBT) sa Cubao, Quezon City upang magdiwang ng kanilang Pasko sa kani-kanilang probinsya.

Ayon kay ACBT Operations Officer Ronald Tagle, umabot na sa 9,000 ang mga pasahero sa kanilang terminal kaninang umaga o mas mataas ng 1,000 pasahero kumpara kahapon.

Nabatid na inaasahan pang dadami ang mga pasahero mula bukas hanggang sa Sabado ng umaga.

Sold-out na rin ang mga tiket ng ilang kumpanya ng bus hanggang Disyembre 27.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply