Pasilip-silip sa bintana sa mga luhaang reporter

SINO itong singer/actress na nagtago nung araw ng Pasko sa mga bading na reporters? Ayon sa isang bading na Kolumnista ng isang magazine, nagpunta sila noong Disyembre 25 sa bahay ng isang singer/actress na laging bigo sa pag–ibig para mamasko. Sad to say, luhaan ang mga bading na reporter at ang masakit pa nito, nakita nila ang ina ng singer/actress na pasilip-silip sa bintana. Hindi na lang sabihin na ayaw nilang magbigay ng pamasko kahit araw ng Pasko.

Ang masakit nito, madalas naman nilang masulat ang nasabing singer/actress sa kanilang mga kolumn. Mabuti nga raw sana kung tinitira nila ito.

Ang nasabing singer/actress ay maganda na bansot galing sa isang contest sa isang sikat na TV network. Masama rin ang ugali nito. (Kabaliw naman ang sinabi mong ‘yan, Gary! Hahahahaha!- Ed)

000

Presidente ng isang samahan ng mga bading nangraraket sa Kongreso

NAGTATAKA ako sa grupo ng mga bading sa showbiz na nagbibigay kuno ng award pero ang intensiyon nila ay makapangraket nang husto sa mga artista at pulitiko. ‘Yung Presidente nila ay pumunta sa Congress kinausap ang isang Congressman buhat sa Visayas. Nang araw na ‘yon, nandon ang inyong lingkod at tinanong ako ng Congressman na kaibigan ko kung tama raw ba magbigay siya ng pera kapalit ng paglabas niya sa telebisyon para mag-abot lamang ng award sa mananalo ng best actress? Ang presyo tumatagingting na P50,000.00 sinabihan ko ang kaibigan kong Congressman na huwag patusin ang proposal ng Presidente. Ang P50,000.00 maraming publicity at exposure sa telebisyon ang magagawa nito.

Kaya hayun, luhaan ang Presidente at binigyan na lamang siya na pamaskong P1,000.

000

ANG patok na portion ng Eat Bulaga ay ang Juan For All, All for Juan Sugod Bahay na hatid sa inyo ng Coke at Puregold. Maraming barangay sa buong Pilipinas ang natutulungan ng number noontime show dahil katakot-takot na pera ang kanilang ipinamimigay sa mga kababayan natin.

Kitang-kita naman ang tuwa at saya ng mga contestant kapag nananalo sila. Kaya suportahan natin ang Eat Bulaga nina Tito, Vic, Joey at ibang pang hosts nito para tuluy-tuloy ang hatid saya nito sa mga kababayan natin, mula Lunes hanggang Sabado sa GMA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply