Paslit buhay sa kagat ng aso, utas sa bala ng amo ng aso

PATAY ang isang bata at nasugatan ang mga magulang nito nang paulanan ng bala ng isang kapitbahay ang kanilang bahay sa isang mabundok na barangay sa Cebu City, iniulat ngayon ng pulisya.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Jasper Ceniza, 9-na-taong gulang, grade 3 sa Guba Elementary School.

Ang biktima ay idineklarang dead on arrival sa Guba Emergency Hospital sanhi ng isang tama ng bala sa dibdib.

Nasugatan naman sa mga binti ang mga magulang nito na sina Reynaldo Ybanez, isang magbubukid at ang madrasta nitong si Cristina Cerniza, 27-anyos na parehong inilipat na sa Cebu City Medical Center

Ayon sa ulat ni PO3 Geoffrey Gutual ng Cebu City Police homicide section, natutulog ang mag-anak sa sahig ng kanilng bahay sa Sitio Kabulihan ng magising sa ingay ng mga putok ng baril dakong alas-9:00 ng gabi sa harap ng kanilng bahay.

Gumapang umano si Ybanez upang silipin ang nagpaputok at nakita niya ang kapitbahay na si Junrey Andrecoso, 31 anyos na tumatalilis.

Napag-alaman na may di pagkakaunawaan ang sina Ybanez at Andrecoso.

Ang away ay nag-ugat matapos na makagat ng aso ni Andrecoso ang anak ni Ybanez na si Jasper.

Matapos na makagat ang anak ay binantaan rin umano ni Ybanez na papatayin niya ang aso ng suspek.

Itinanggi naman ni Andrecoso ang akusasyon laban sa kanya subalit inamin din pagkaraan at iginiit na nais lamang niyang takutin ang mga biktima at walang intensyon na pumatay.

Narekober ng awtoridad ang 45 kalibre ng baril na ginamit ng suspek na ibinaon nito sa lupa.

Sa ngayon ay nakapiit na sa Cebu City Police Office ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong murder.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply