Paslit pisak sa pick-up

NATODAS ang isang batang lalaki matapos mahagip at magulungan ng pick-up habang nakaupo sa gilid ng kalsada sa Caloocan City Huwebes ng umaga.

Dead on arrival sa Manila Central University Hospital sanhi ng pinsala sa ulo si James Santos, 1 ng Pio Valenzuela St., ng lungsod.

Sumuko naman sa mga pulis si Efren Ontog, 38, residente ng Reparo St., ng lungsod at driver ng pick-up na may plakang XTV-336.

Base sa ulat, dakong alas-7:20 ng umaga, nakaupo ang biktima sa kalsada sa tapat ng kanilang bahay nang masagi ni Ontog.

Bumagsak ang biktima at nagulungan pa ang ulo ng hulihang gulong.

Agad na isinugod ang biktima sa pagamutan ngunit ideneklara nang dead on arrival.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply