Pasok sa eskwela sa CDO at Iligan, tuloy sa Enero 3, 2012

TULOY at walang makapipigil pa sa pasok ng mga estudyante sa eskwela sa January 3, 2012 sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan city.

Ayon kay Social Welfare and Development Sec. Dinky Soliman, napagkasunduan nila ni  Education Sec. Armin Luistro na maglagay ng tents na magsisilbing temporary classrooms ng mga estudyante.

Napag-alaman na kasalukuyang ginagamit ngayong evacuation centers ng ilang apektadong residente ang mga pampublikong paaralan sa nabanggit na mga lungsod.

Pero ayon kay Soliman, hindi na nila ipipilit ang pag-transfer ng mga evacuees sa halip, magtatayo na lamang sila ng mga tents na magsisilbing classrooms ng mga estudyante.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply