Pasok sa eskwela sa Iligan tuloy sa Enero 3

TULOY sa Enero 3 ang pagbabalik-eskwela ng mga estudyante sa Iligan City na sinalanta ng Bagyong Sendong.

Ani Roy Dagaso, assistant division schools superintendent ng Iligan, na hindi malilipat sa Pebrero ang pasukan kahit pa humingi ng palugit ang pamahalaang lokal.

Inihayag ni Dagaso na magiging epektibo ang pagpasok ng mga estudyante dahil mabibigyan umano nila ng tulong ang mga bata.

Nauna nang hiniling ni Iligan Mayor Lawrence Cruz na ipagpaliban ang pasukan dahil ginagawa pang evacuation centers ang mga paaralan.

Iginiit naman ni Dagaso na may inihanda nang “alternative modes of learning” ang Department of Education (DepEd).

Sa Tambacan Elemenentary School kung saan libo-libong pamilya ang nananatili ay pinalilipat na sa mga tent na ibinigay ng non-government organization (NGO) para magamit ng mga estudyante ang mga silid-aralan.

Dagdag ni Dagaso, nag-donate ang United Nations Children’s Fund (Unicef) ng mga bag, school supplies at laruan na ipamimigay sa mga bata sa unang araw ng pasukan sa Enero 3.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply