Patay kay ‘Sendong’ sa CDO umakyat na sa 650

TUMAAS pa sa 650 ang narekober na bangkay sa Cagayan de Oro City pa lamang.

Ayon kay Director Anna Cañeda ng Office of Civil Defense Region 10, mula kaninang alas 10:00 ng umaga ay tumaas na ito sa 650 at patuloy na tumataas dahil may mga narerekober pa sa mga karagatan.

Kinumpirma naman ni Mina Salon, City Social Head ng CDO, na sa higit 600 bangkay, 175 pa lamang ang nakikilala.

Samantala, ililipat na ang mga bangkay na unang inilagay sa bakanteng lote sa landfill matapos batikusin ang hindi umano magandang pagtrato sa mga biktima ng flashflood.

Ipagpapatuloy naman ang pagproseso ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) at forensic experts ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagkakilanlan ng mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply